Setyembre 24, 2025 – Dala ang hangaring mapataas ang produksyon ng bangus sa syudad ng Taguig, matagumpay na nagsagawa ng pagsasanay sa pagpapalaki ng bangus gamit ang cages at pens ang BFAR-NCR, katuwang ang BFAR-Central Luzon at pakikipag ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Taguig.
Pormal na binuksan ni Dr. Mea F. Baldonado, OIC ng RFTFCD ang programa. Sa ngalan ni Regional Director Noemi SB. Lanzuela, binigyang-diin ni Dr. Baldonado na ang BFAR-NCR ay hindi hihinto sa paghahanap at pagbuo ng mga programa na makakatulong sa kabuhayan ng mga mangingisdang nasasakupan nito. Isa na rito ang pagsasagawa ng pagsasanay sa ilalim ng National Bangus Development Program na may layuning pataasin ang produksyon ng bangus sa Laguna De Bay, kasabay ng pagpapatupad ng Good Aquaculture Practices (GAqP).
Nakilahok sa nasabing pagsasanay na ito ang mga owners at operators ng Fish Cage at Fish Pens ng Taguig at miyembro ng Taguig Fisherfolk Fishermen Cooperative.
Nagbahagi ng kanilang kaalaman tungkol sa industriya ng bangus sa Pilipinas at Biology and Culture ng Bangus sa Fish Cage at Fish Pen sina Ms. Ingridvinleur J. Balaquiqui, Action Officer ng National Bangus Development at Ms. Cristeta Asunczion, National Technical Manager ng SANTEH Feeds Corporation.
Isang masaya at interactive na laro naman ang pinangunahan ni Ms. Ma. Erika Carual na tinatawag na Fish N’ LEarn. Layunin nitong turuan ang mga kalahok na i-manage ang kanilang kita sa pangingisda sa pamamagitan ng pagiinvest, pagsali sa kooperatiba, pagiimpok sa bangko, pagkuha ng insurance, at matalinong pangungutang.
Nakibahagi rin sa nasabing aktibidad sina Mrs. Mary Ann R. Candelaria, OIC ng Fisheries Production Section (FPS) at iba pang personnel ng FPS, Councilor Lamberto Manosca, Committee Chairman on Aquaculture and Fisheries at Councilor Marilyn Marcelino, Committee Chairman on Agriculture, at Ms. Emelita P. Solis, OIC NG Taguig City Agriculture Office.

































