Layunin na magkaroon alternatibong kabuhayan bukod sa panginigsda, ang mga mangingisdang lider at mga kababaihang miyembro ng kooperatiba mula sa Muntilupa at kinatawan ng local na pamahalaan sa tulong ng BFAR-NCR ay nagtungo sa National Fisheries Development Center (NFDC) sa Dagupan City noong ika-8 ng Agosto.
Bilang pambansang sentro para sa teknolohiya, pagsasanay, at inobasyon sa pangingisda, nagbigay ang NFDC ng mahahalagang kaalaman at teknolohiya na maaari nilang gawing gabay upang higit pang mapalakas ang mga programa sa pangingisda sa kanilang lungsod. Isa rin sa mga mithiin nito ay suportahan at bigyang-kapangyarihan at alternatibong kabuhayan ang maliliit na mangingisda at mga prodyuser.
Ang mga nakilahok sa nasabing aktibidad ay mga kinatawan ng mga sumusunod: Muntinlupa City Women Producers Cooperative, Muntinlupa Empowered Fisherfolks Producers Cooperative, Muntinlupa City Gender and Development Office, City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC), Lake Management Office (LMO), at ilang BFAR-NCR personnel kabilang na sina Dr. Mea F. Baldonado, OIC ng Fisheries Post Harvest and Marketing Section (FPHMS), at FPHMS Staff na si Ma. Erika B. Carual.
Binisita ng mga delegado ng Muntinlupa ang “Solar Salt” Backyard Salt Making Facility, kung saan kanilang nasaksihan ang mura at eco-friendly na paraan ng paggawa ng asin gamit ang natural na proseso ng evaporation.
Bumisita rin sila sa Korea-Philippines Seafood Processing Complex, isang makabagong pasilidad at BFAR-HACCP Certified na planta para sa deboning, bottling, at packaging ng mga seafood products. Tampok dito ang kumpletong cold chain facilities gaya ng ice-making facility cold storage facilities, grading at sorting sections, at hygienic handling systems. Nagsisilbi itong modelo bilang isang pasilidad na sumusunod sa mga batas para masigurong malinis at ligtas kainin ang mga produktong prinoproseso na maaring ibenta sa local at internasyonal na merkado. Ito rin ay nagsisilbing pasilidad para sa mga value-adding enterprise na makatutulong sa pagpapalago ng kita ng mga mangingisda at maliliit na processors.
Malugod na pinaunlakan nina G. Dennis Tanay, Center Chief, BFAR NFDC, Bb. Mary Ann A. Salomon- City Agriculturist ng Dagupan City, at Bb. Rizalyn Bautista- Head, Post-Harvest ng NFDC and benchmarcking na ito na inorganisa ng FPHMS.
Sa pamamagitan ng benchmarking na ito, inaasahang mas mapapalakas ng Lungsod ng Muntinlupa ang kanilang mga inisyatiba sa sektor ng pangisdaan at makapagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa kabuhayan ng kanilang mga mamamayan. # (MC/JGL)














