Isa rin sa mga ginanap na patimpalak noong Fish Conservation Week ay ang FishBee na may layuning sukatin kung sino-sino sa mga kalahok ang may mas malawak na kaalaman tungkol sa pangangalaga ng pangisdaan, na isa sa mga pangunahing tungkulin ng ahensya.
Ang grupo nina G. Hersie V. Sumaya, G. Marvin Pagarigan, at Bb. Krizza Dequiña ang nagkamit ng first prize sa nasabing patimpalak. Hinirang naman bilang 2nd placer ang grupo nina G. Arman Cabanig, Bb. Cybel Dialogo, at Bb. Mildred Rotaquio, at 3rd placer ang grupo nina G. Jan Terrance L. Halina, Bb. Kyla G. Necasio, at Bb. Frenchizcka May Balayo.







