Setyembre 25, 2025 – Matagumpay na naisagawa ang Orientation cum Boat and Gear Registration (BoatR) sa Lungsod ng Pasay. Ito ay pinangunahan ng Pasay City Environment and Natural Resources Office (PCENRO), katuwang ang BFAR-National Capital Region (BFAR-NCR).
Layunin ng aktibidad na mapaigting ang dokumentasyon at regulasyon ng mga bangka at gamit-pangisda sa lungsod, at magbigay ng kaalaman sa mga mangingisda patungkol sa batas pampangisdaan, partikular na ang Fisheries Office Order No. 290 series of 2014.
Tatlumpu’t walong (38) mangigisda na miyembro ng Pasay Libertad Anglers Association (PLAA) ang aktibong lumahok sa oryentasyon at 28 bangka naman ang nai-rehistro. #(MRA)