704327277_1423724756452640_5404378572365839346_n
704327277_1423724853119297_5239565874483546095_n
704327677_1423724753119307_93860318688877775_n
704347182_1423724803119302_7996567061342111984_n
704347299_1423724523119330_7490428715545703922_n
704367491_1423724759785973_5106546781071457132_n
704386937_1423724666452649_5317527115921161758_n
704427281_1423724583119324_4712860816253083267_n
704467855_1423724559785993_8476109592571890130_n
704468022_1423724883119294_4817050483648084812_n
704468424_1423724809785968_3453038393138339084_n
704487465_1423724606452655_3990777696732798995_n
704507248_1423724569785992_5224379182185942209_n
704527497_1423808229777626_5923050765466045766_n
704608650_1423724806452635_402655199446986780 (1)
704608650_1423724806452635_4026551994469867806_n
704615121_1423724546452661_7325299766280990305_n
704636615_1423724949785954_8054501147246968376_n
704661671_1423724526452663_2639539187585336075_n
704681687_1423724549785994_9209562158648143110_n
PlayPause
previous arrow
next arrow

Shadow

Mayo 12–13, 2026 – Nagsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region (BFAR-NCR) ng isang komprehensibong pagsasanay ukol sa operational safety protocols para sa mga Bantay Dagat at mga kinatawan ng LGU-Parañaque sa Fisherman Wharf, Parañaque City.

Layunin ng pagsasanay na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mga operational risks, palakasin ang koordinasyon sa mga law enforcement agencies, at tiyaking naipatutupad nang maayos ang mga batas pangisdaan nang may paggalang sa karapatang pantao.

Buong pusong pasasalamat ang ipinaabot ni G. Jose N. Cabanza, Jr., Regional Fisherfolk Director ng BFAR-NCR, sa lahat ng nakilahok at sa tanggapan ng BFAR-NCR sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad. Binigyang-diin niya na malaking tulong ang nasabing pagsasanay upang higit pang mapahusay ang kakayahan ng mga tagapagpatupad ng batas. Hinikayat din niya ang mga kalahok na isaisip at isapuso ang kanilang mga natutunan upang maging mas epektibo at responsableng law enforcers.

Dumalo rin sa nasabing pagsasanay si Regional Director Noemi SB. Lanzuela at nagpahayag ng kanyang buong suporta sa mga Bantay Dagat at LGU-Parañaque na patuloy na ginagampanan ang kanilang mahalagang tungkulin bilang katuwang ng ahensya sa pangangalaga ng ating yamang tubig sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas pangisdaan.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman sina G. Ohjee V. Cabilogan, OIC ng Enforcement and Regional Monitoring, Control and Surveillance Operation Center (ERMCSOC), at ang kanyang staff na si Mr. Arman S. Cabanig hinggil sa overview ng fishery laws and regulations, fish examination, at mga wastong hakbang na dapat isagawa sa panahon ng operasyon.

Nagkaroon din ng hands-on fish identification at examination ang mga kalahok upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman sa pagtukoy ng mga isdang nahuli sa ilegal na pamamaraan. Bumisita rin ang mga kalahok sa bulungan kasama si RD Lanzuela upang obserbahan ang iba’t ibang uri ng isdang ibinebenta rito at mas maunawaan ang operasyon at sistemang umiiral sa nasabing pamilihan. #