711135840_1436477408510708_4771121304718993330_n
711945467_1436477375177378_5429109698616359698_n
712085737_1436477498510699_4408217471876679254_n
712504083_1436477845177331_6771846280320585559_n
712524413_1436477771844005_2534755413590537880_n
713183777_1436477661844016_7120777657664698507_n
713265031_1436477465177369_6225549310881711055_n
713404024_1436477908510658_386228996342246987_n (1)
713404024_1436477908510658_386228996342246987_n
713604141_1436477598510689_864967495852541542_n
714323835_1436477395177376_2014770355993722517_n
714524931_1436477698510679_4334113463213666481_n
714566529_1436478175177298_7461956035378731370_n
714586187_1436477965177319_3166212651686847543_n
714599123_1436477928510656_4856976001093881237_n
714599467_1436477581844024_5757421412405466576_n
714716444_1436477488510700_5705591136244791705_n
714759724_1436477878510661_6986030476326791764_n
714840254_1436478008510648_8180158201734743995_n
714840256_1436477485177367_616443394925550480
714895970_1436477725177343_6375001250640548952_n
714918468_1436478058510643_3452872174388170528_n
714949436_1436477655177350_6811653103037721223_n
714981247_1436477508510698_7918106657398565350_n
715038746_1436478025177313_2354270806805096384_n
715477757_1436477511844031_8529351422669201327_n
715950077_1436478105177305_1960476314005540134_n
716897654_1436477761844006_4975515478101233393_n
PlayPause
previous arrow
next arrow

Shadow

Hunyo 2, 2026 – Bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng 2026 Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, idinaos ng BFAR – National Capital Region ang isang seremonya bilang pagkilala sa makabuluhan at matagumpay na implementasyon ng Mangingisdang Direktor Program ngayong taon.

Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque sa pamamagitan ng City Agricultural, Fisheries and Aquatic Services Office, ginanap ang seremonya sa Wellness Building, Bulungan Center, Parañaque City.

Ibinahagi ni RFD Jose Cabanza Jr. ang kanyang mga karanasan, mahahalagang natutuhan, at mga hakbang na isinulong sa ilalim ng kanyang 10-point agenda para sa kapakanan ng mga mangingisda at sektor ng pangisdaan sa National Capital Region bilang ikaapat na Mangingisdang Direktor ng rehiyon.

“[𝘈𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢𝘯𝘨 𝘋𝘪𝘳𝘦𝘬𝘵𝘰𝘳] 𝘢𝘺 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘯𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘮𝘢𝘭𝘪𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯. 𝘛𝘢𝘰𝘴-𝘱𝘶𝘴𝘰 𝘢𝘬𝘰𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘱𝘢𝘱𝘢𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 [𝘪𝘵𝘰 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭] 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘢𝘬𝘰 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘴𝘦𝘴 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘕𝘊𝘙,” ani RFD Cabanza.

Bilang tugon sa mensahe ni RFD Cabanza, ibinahagi naman ni Regional Director Dr. Noemi S.B. Lanzuela ang kanyang mga natutuhan at karanasan mula sa isinagawang immersion at pakikipag-ugnayan sa sektor ng pangisdaan sa buong buwan ng Mayo. Inilahad din niya ang mga susunod na hakbang upang mas mapatatag ang sektor.

“𝘚𝘢𝘮𝘢-𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘦𝘬𝘵𝘰𝘳 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢𝘢𝘯, 𝘱𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘰𝘴𝘦𝘴 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢, 𝘢𝘵 𝘪𝘴𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘨𝘪𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘬𝘳𝘦𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘪𝘭𝘰𝘴,” pahayag ni RD Lanzuela.

Bilang pagpapatibay sa mga layuning binigyang-diin ni RD Lanzuela para sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan, ibinahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Parañaque ang mga nakatakdang plano at proyektong ipatutupad sa Bulungan at Saprahan na naglalayong higit pang mapalago ang kabuhayan ng mga mangingisdang Parañaqueño. Kabilang sa mga pangunahing layunin ang pagpapalakas ng industriya ng pangisdaan at paglinang sa potensiyal ng lokal na turismo.

Binigyang-diin din ng City Agricultural, Fisheries and Aquatic Services Office ang patuloy nitong matatag na suporta sa Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) bilang mahalagang katuwang sa paghubog at pagpapatupad ng mga polisiya at programang may kaugnayan sa pangisdaan.

Naging bahagi rin ng mahalagang pagdiriwang na ito ang pamamahagi post-harvest utensils sa pamamagitan ng Fisheries Post-Harvest and Marketing Section (FPHMS) para sa mga rehistradong asosasyon sa Metro Manila:

Parañaque:

1. Samahan ng Maliliit na mangingisda ng Parañaque (Pangisda Parañaque) – 1 set utensils and 3 cooler boxes

2. Parañaque Women’s Fisherfolk Organization – 1 set utensils and 3 cooler boxes

Las Piñas:

1. Tulungan ng Mangingisda ng Las Piñas, Inc. – 1 set of utensils and 3 cooler boxes

Navotas:

1. Small Commercial Fishing Consumers Cooperative of Navotas (SCFCN) – 3 cooler boxes

2. Samahan ng Mangingisdang Pantay-Pantay

– 3 cooler boxes

Manila:

1. Samahan ng mga Mandaragat ng Baseco, Inc.

– 1 set of utensils and 3 cooler boxes

Pasay:

1. Pasay Libertad Anglers Association

– 3 cooler boxes

Taguig:

1. Taguig City Fisherfolks Fishermen Cooperative (TCF) – 3 cooler boxes

Muntinlupa:

1. Samahan ng mga Maliliit na Mangingisda ng Barangay Bayanan ng Muntinlupa City – 3 Cooler boxes

Nakatanggap din ang 15 indibidwal na benepisyaryo mula sa Parañaque ng at bottom set gillnet (BSGN) sa pangunguna ng Fisheries Production Section (FPS).

Lalong naging makabuluhan ang seremonya sa pagdalo ng mga kinatawan ni Mayor Edwin Olivarez, kabilang sina G. Ricardo Cesette, Officer-in-Charge ng Tourism Office; G. Juancho Fajardo, Officer-in-Charge ng Barangay Operations Office; at Bb. Amelia M. Hernandez, Officer-in-Charge ng City Agricultural, Fisheries and Aquatic Services Office. Dumalo rin ang mga kinatawan mula sa Parañaque Public Information Office.

Nagbigay rin ng suporta ang mga opisyal at miyembro ng Parañaque City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC), gayundin ang mga dating Mangingisdang Direktor ng NCR na sina G. Miguel C. Lopena Jr. at Bb. Maria Nancy Afinidad. Kabilang din sa mga dumalo ang mga lider-mangingisda mula sa mga lungsod ng Muntinlupa, Taguig, Las Piñas, Manila, Navotas, at Pasay, pati na rin ang mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan ng Las Piñas at Pasay.

Sa pagtatapos ng 2026 Mangingisdang Direktor Program, mas pinagtibay nito ang koneksyon ng ahensiya at ng mga mangingisda sa paghubog ng mga polisiya, programa, at serbisyong nakatuon sa pagpapaunlad ng sektor ng pangisdaan.