TINGNAN: Bumisita ang BJMP National Capital Region sa pangunguna ni Regional Director Baby Noel P. Montalvo sa tanggapan ng BFAR-NCR, kung saan mainit silang tinanggap ni Regional Director Dr. Noemi SB. Lanzuela.
Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ng dalawang ahensya ang mga posibleng pagtutulungan sa mga programa at kabuhayang magbibigay ng pantay na oportunidad para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).
Isang Memorandum of Agreement (MOA) ang nilalayon na maisakatuparan sa pagitan ng BJMP-NCR at BFAR-NCR upang pormal na pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya. # (MRA)










