707188280_1429960749162374_467127062896470412
707278733_1429960672495715_681655894658884315
707394112_1429960962495686_907907206591675233
707435141_1429961209162328_136012939847201767
707435215_1429960989162350_894362727768384606
707454370_1429961099162339_281407704846435906
707522417_1429960822495700_270481855682894736
707912705_1429960765829039_444360115292761645
708178659_1429961059162343_573136992853468587
708300668_1429960902495692_111047351667326134
708312705_1429961172495665_2237771855501494256_n
708333776_1429960699162379_406075194360766009
708891394_1429960925829023_597310942716840883
709756457_1429961025829013_749543462079214699
PlayPause
previous arrow
next arrow

Shadow

Mayo 25, 2026 – Bilang bahagi ng pangdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda, sa ilalim ng Mangingisdang Direktor Program, matagupay na naisagawa ng BFAR-NCR ang Fisherfolk Wellness Program para sa mga rehistradong manginigsda sa Paranaque, kasabay ito ng inisyatiba ng City Agriculture, Fisheries, and Aquatic Resources Office na “Linggo ng Mangingisda” sa Parañaque Fisherman’s Wharf.

Layunin ng aktibidad na isulong ang kapakanan at kalusugan ng mga mangingisda sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan at suporta na madaling maabot ng mga rehistradong mangingisda sa Lungsod ng Parañaque. Nakiisa rin ang Philippine National Police ng Parañaque City sa nasabing aktibidad.

Hinikayat naman ni RFD Jose Cabanza Jr. ang kanyang kapwa mangingisda na aktibong suportahan at makilahok sa mga programa at aktibidad na nagtataguyod ng kanilang kapakanan dahil ang pagkakaisa at kooperasyon sa gitna ng mga mangingisda at pamahalaan ay susi tungo sa mas maunlad na sektor ng pangisdaan sa rehiyon.

Binigyang diin ni BFAR-NCR Regional Director Noemi SB Lanzuela ang pauloy na pangako ng tanggapan sa tunay na pag-aaruga at pagsuporta sa kapakanan ng mga komunidad ng mangingisda. Ibinahagi rin niya ang iba’t ibang programa at interbensyon ng BFAR-NCR na naglalayong maiangat ang pamumuhay ng mga mangingisda, mapabuti ang kanilang kabuhayan, at mapalakas ang mga serbisyong suporta sa National Capital Region.

Bilang bahagi ng aktibidad, namahagi rin ng mga Information, Education, and Communication (IEC) materials at nagsagawa ng oryentasyon tungkol sa Fisheries Scholarship Program upang mapalawak ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa mga oportunidad sa edukasyon para sa mga mangingisda at kanilang mga pamilya.

Nagkaroon din ng libreng legal consultation sa pamamagitan ni Atty. Arnulfo Balace, na tumugon sa mga suliranin ng mga mangingisda at nagbigay ng legal na gabay at tulong.

Upang higit pang maisulong ang wellness at self-care, nakipagpartner ang BFAR-NCR sa TESDA-NCR, sa pamamagitan ng Parañaque Livelihood Resource Management Office, sa pagbibigay ng libreng wellness at grooming services tulad ng masahe, manicure-pedicure, at haircut para sa mga kalahok na mangingisda.

“𝘔𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘴𝘪 𝘬𝘢𝘪𝘭𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘪𝘵𝘰, 𝘯𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘴𝘪𝘯 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘮𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘨𝘪𝘴𝘥𝘢 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘳𝘢ñ𝘢𝘲𝘶𝘦. 𝘔𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘉𝘍𝘈𝘙-𝘕𝘊𝘙 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰, 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪 𝘯𝘨 𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨,” pahayag ng isa sa mga mangingisda.

Naging positibo ang pagtanggap ng mga mangingisda sa nasabing aktibidad, na sumasalamin sa patuloy na dedikasyon ng BFAR-NCR at ng mga katuwang nitong ahensya sa pagsusulong ng kapakanan, at pagpapaunlad ng mga komunidad ng mangingisda sa Metro Manila. # (JFB)