Himno ng Pangisdaan

Katubigan ay kayamanan
Biyaya sa ‘tin ng Maykapal
Daga’t ilog, lawa’t bukal
Pagyamanin at pangalagaan

Pag-unlad ng kabuhayan
Katuwang ang Kawanihan
ng Pangisdaan at Yamang-tubig
Tungo sa magandang kinabukasan

Sama-sama, tulong-tulong sa pag-unlad
Sapat na pagkain sa bawat hapag
Tapat na serbisyo para sa mamamayan
at pagmamahal sa Inang Bayan

Pag-unlad ng kabuhayan
Katuwang ang Kawanihan
ng Pangisdaan at Yamang-tubig
Tungo sa magandang kinabukasan

Sama-sama, tulong-tulong sa pag-unlad
Sapat na pagkain sa bawat hapag
Tapat na serbisyo para sa mamamayan
at pagmamahal sa Inang Bayan

Ipakita sa mundo ang galing
Mangingisdang bayaning maituring

Sama-sama, tulong-tulong sa pag-unlad
Sapat na pagkain sa bawat hapag
Tapat na serbisyo para sa mamamayan
at pagmamahal sa Inang Bayan

Tapat na serbisyo para sa mamamayan
at pagmamahal sa Inang Bayan

at pagmamahal sa Inang Bayan