731213595_1459130032912112_1773404131802600513_n
732165188_1459130222912093_7744449413608122605_n
732179058_1459130249578757_3401862405935058035_n
732253171_1459130656245383_7349382635051613839_n
732253255_1459130172912098_2618509503180136048_n
732269444_1459129982912117_3949992383203397565_n
732269624_1459130219578760_2600207485262479296_n
732323611_1459130126245436_941717777894841155_n
732323844_1459130612912054_7871388392348610023_n
733280367_1459130499578732_1000488948774609708_n
733499691_1459130786245370_3759509959671205028_n
733499807_1459130322912083_4089770393199797426_n
733548203_1459130469578735_964475262071580540_n
733621495_1459130522912063_3013407257014811519_n
733642163_1459130379578744_8493408908071439190_n
733726549_1459130392912076_7197685051136351343_n
733882308_1459130789578703_9114134111635354721_n
733891190_1459129956245453_1872342452291363971_n
733911903_1459130679578714_1739838244278370798_n
734008911_1459130132912102_4171464174640931087_n
734067490_1459130162912099_7035662099800890657_n
PlayPause
previous arrow
next arrow

Shadow

Isinagawa ng BFAR – National Capital Region (NCR), katuwang ang BFAR Central Office, ang pagsasanay sa tamang pamamaraan ng pagdedebone at pag-smoke ng isda sa Bureau of Corrections (BUCOR), Muntinlupa City noong Hunyo 23–24, 2026.

Matagumpay na naisagawa ang 2-araw na pagsasanay para sa mga kawani at Persons Deprived of Liberty (PDLs) ng BUCOR Muntinlupa City. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga kalahok ng teknikal na kaalaman at aktuwal na karanasan sa wastong proseso at pamantayang pamamaraan ng pagde-debone at pag-i-smoke ng isda. Bukod dito, layunin din ng aktibidad na malinang ang praktikal na kasanayan ng mga PDL bilang bahagi ng paghahanda sa pagkakaroon ng oportunidad sa kabuhayan, pagpapaigting ng rehabilitasyon, at pagtataguyod ng pagiging produktibo at pagiging handa sa muling pakikibahagi sa komunidad.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Dr. Mea F. Baldonado, OIC ng RFTFCD, ang kahalagahan at layunin ng pagsasanay lalo na para sa mga PDL bilang bahagi ng kanilang rehabilitasyon at paghahanda para sa kanilang pagbabalik sa labas ng kulungan.

Tampok sa pagsasanay ang aktuwal na demonstrasyon at hands-on activity sa tamang pagde-debone ng bangus bago ito isailalim sa proseso ng pag-i-smoke. Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang interes, aktibong pakikilahok, at pagpapahalaga sa mga bagong kaalaman at kasanayang kanilang natutunan.

Nagsilbing mga tagapagsalita ang mga Technical Personnel mula sa Fisheries Post-harvest Technology Division ng BFAR Central Office na sina Ms. Hazel M. Aguilar, Ms. Glaiza R. Hernandez, at Mr. Manuel Shairo M. Conde. Tinalakay nila ang mga paksa tungkol sa Introduction to Sanitation Standard Operating Procedures (SSOP), Fish Processing, at wastong pamamaraan ng pagde-debone at pag-i-smoke ng isda. Ibinahagi rin ni Ms. Maria Criselda G. Belchez, RFTS Staff, ang mahahalagang kaalaman hinggil sa tamang packaging at labeling techniques upang matiyak ang kalidad at kaangkupan ng mga produktong isda.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga opisyal ng BUCOR na sina CTSSUPT Noel M Marquez, DVM (Deputy Director, Directorate of Reformation/OIC, Agro), Mr Dalmacio L Caringal, MCDRM (Director, Directorate for Personnel Education and Training Services), CSINSP Jerry Seth K Martinez (Chief, Agriculture Production Section), at CSINSP Carlito O Santos (Deputy Chief, Agricultural Production). Ipinahayag naman ni Mr. Caringal ang kanilang pasasalamat sa BFAR sa patuloy na suporta sa kanilang tanggapan, lalo na sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapaunlad ang kakayahan ng kanilang mga kawani at higit sa lahat, ang mga PDL.

Patuloy ang BFAR – NCR sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng kaalaman, kasanayan, at oportunidad upang makatulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagpapalakas ng kakayahan ng iba’t ibang sektor ng komunidad.

#BFARNCR#FishProcessing#FisheriesTraining#BangusDeboning#FishSmoking#LivelihoodSkills