Setyembre 3, 2025 β Bilang bahagi ng Fish Conservation Week at upang hikayatin ang mga kabataan na makilahok sa pangangalaga ng yamang-dagat at lawa, isinagawa ng Regional Fisheries Information Section (RFIS) sa ilalim ng Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) ang βπΊπ¬π¨ππππ ππ π©ππππ, π©ππππ ππ π΄πππππ π©ππ ππ π³πππππ π π π©ππ: π¨ π΄ππππ π΄ππ ππ π¨ππ πͺππππππππππβ sa Las PiΓ±as-ParaΓ±aque Wetland Park (LPPWP). Layunin ng patimpalak na paigtingin ang kamalayan ng mga junior high school students sa tamang pamamahala ng coastal at lake resources.
Sa kanyang pagbati, binigyang-diin ni G. Diego L. Montesclaros, Jr., Assistant Protected Area Superintendent ng LPPWP, ang mahalagang papel ng kabataan sa pangangalaga ng likas-yaman dahil ang ganitong mga aktibidad ay daan upang higit na mapahalagahan ang mga natitirang critical habitat at protected area sa bansa.
Gamit ang mga basurang nakolekta mismo sa baybayin ng LPPWP, lumikha ang mga kalahok ng makabuluhang obra na sumasalamin sa tema ng 2025 Fish Conservation Week: βPangisdaang Masagana, Sapat na Isda sa Bawat Pamilya.β
Nakibahagi sa patimpalak ang mga piling mag-aaral mula sa Bagumbong High School, Lakeview Integrated School, Las PiΓ±as National High School-Main, Navotas National High School, ParaΓ±aque National High School-Main, Pasay City East High School, at Upper Bicutan National High School.
Nagsilbing hurado sina G. Montesclaros; Mr. Cristopher Cunanan mula sa UP-National Institute for Science and Mathematics Education Development (UP-NISMED); Bb. Veverlyn E. Samadan, OIC ng RFIS; at G. Joshua Crisostomo, Graphic Artist at Photographer ng RFIS, at G. NiΓ±o Arnie A. Binato, OIC ng District Fisheries Office IV.
Sa huli, ipinaalala ni G. Binato na higit sa kompetisyon, nawa tingnan ng kabataan ang aktibidad na ito bilang pagkilos para sa mas mas maliwanag at mas malinis na bukas para sa Manila Bay at Laguna De Bay.
Nakatakdang parangalan ang mga nagwagi sa patimpalak na ito kasabay ng pagbubukas ng Fish Conservation week sa ikatlong linggo ng Setyembre. Makatatanggap ang mga mananalo ng plaque of recognition at cash prize.
β—-
Ang pagpili ng Peopleβs Choice Award para sa SEAning na Buhay, Buhay na Manila Bay at Laguna De Bay ay nasa inyong mga kamay. Iboto ang inyong pambato: (antabayanan ang link mamaya)










































