Matagumpay na nakapagsagawa ng isangFisherfolk Registration (FishR) ang BFAR – NCR nooong ika-7 ng Agosto, sa Brgy. Tagalag, Valenzuela City kasama ang lokal na pamahalaan. Tinatayang 32 lokal na mangingisda ang naidagdag sa talaan ng mga rehistradong mangingisda sa buong rehiyon.
Isang orientation din ang isinagawa sa pangunguna ni Bb. Jehn Francine Boletic, Focal Person ng Regional Fisherfolk Coordination Section (RFCS) hinggil sa kahalagahan ng programa kung saan sila ay mas magkakaroon ng akses sa suporta ng pamahalaan, gayundin sa mga oportunidad na pangkabuhayan at iba pang technical assistance na hatid ng gobyerno.
Nakibahagi rin sa nasaing aktibidad sina Bb. Gemma Cedro, BASIL Focal Person; Hon. Renato Bernardo, Kapitan ng Brgy. Tagalag, at iba pang miyembro ng barangay council, at mga kinatawan ng Valenzuela City Agriculture Office (CAO) na sina G. Delmar Amaro at Bb. April Joy Udto. #









