Oktubre 2-3, 2025 – Tinuruan ng BFAR-NCR ang tatlumpong (30) kalahok na binubuo ng mga lider ng CFARMC, kalihim ng FARMC, mga opisyal ng LGU CAO, at mga kawani ng BFAR-NCR tungkol sa pagbuo ng mga polisiya, paggawa ng resolusyon, at parliamentary procedure sa isinagawang pagsasanay sa BFAR-NCR Training Hall, Quezon City.
Sa pangunguna ng Regional Fisherfolk Coordination Section (RFCS), ang nasabing pagsasanay ay naglalayon na maitaguyod ang mas maayos at organisadong pagsasagawa ng pagpupulong sa kani-kanilang BFARMCs at CFARMCs. Isa rin sa mga mithiin ng aktibidad na ito na hasain ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng mga resolusyon na isa sa mga mabisang paraan upang iparating sa mga kinauukulan ang kanilang mga suliranin at suhestiyon upang mas mapaunlad ang kalagayan ng kanilang kabuhayan at pangisdaan. Nagsilbi bilang resource person si Atty. Arnulfo Balace, Legal Officer ng opisina.
Nagging bahagi rin ng pagagasanay ang patalakay at pagbibigay diin ni Regional Director Dr. Noemi SB. Lanzuela sa kahalagahan ng good governance sa pamamalakad ng FARMC. #(MRA)