704327427_1423916746433441_2110609074845969036_n
704327719_1423916843100098_3388298724695445087_n
704367317_1423917003100082_1947357118400167188_n
704406753_1423916649766784_1452155176605336501_n
704447022_1423916799766769_2363074352712408695_n
704468199_1423916576433458_9096015202170431695_n
704506953_1423916726433443_4438896815224133868_n
704507437_1423916646433451_1265386853386910778_n
704528045_1423916713100111_5293667455025900617_n
704546974_1423916613100121_7369489013953929174_n
704558551_1423916876433428_5985806398586079800_n
704558555_1423916986433417_6010781310691599011_n
704615018_1423916803100102_1748161428386849632_n
704647381_1423916906433425_414849548406978882_n
704672523_1423916839766765_6980877074552236020_n
705214589_1423916866433429_8602290288724302124_n
PlayPause
previous arrow
next arrow

Shadow

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Magsasaka at Mangingisda at bilang suporta sa pagpapatupad ng Mangingisdang Direktor Program, nagsagawa ng makabuluhang immersion activity si BFAR-NCR Regional Director Dr. Noemi SB. Lanzuela kasama ang komunidad ng mga mangingisda sa Lungsod ng Parañaque.

Layunin ng naturang immersion na higit na mapalalim ang pag-unawa ng ahensya sa tunay na kalagayan, pangangailangan, at mga hamong kinahaharap ng sektor ng pangisdaan, partikular ng maliliit na mangingisda sa rehiyon.

Sa kaniyang pagbisita, personal na nakadaupang-palad ni RD Lanzuela ang mga lokal na mangingisda, magtatahong, at mga fish vendor sa kilalang Bulungan sa Parañaque. Dito ay nakinig siya sa mga hinaing, karanasan, at mungkahi ng mga stakeholder hinggil sa kanilang kabuhayan, presyo ng isda, epekto ng pagbabago ng panahon, at iba pang suliraning kinahaharap ng sektor. Kabilang na dito ang pagpapalawak ng istruktura ng fishermen’s wharf upang mas maraming manininda pa sa bulungan ang makinabang.

Kabaliktaran ng pangalan na Bulungan, ramdam na agad sa madaling araw ang ingay at sigla ng lugar, mga sigawan sa bentahan, kalansing ng timbangan, at tawaran ng sariwang huli mula sa dagat. Ngunit sa likod ng masiglang tagpong ito ay naroon ang tahimik na kwento ng sakripisyo at pakikipagsapalaran ng mga taong umaasa sa biyaya ng dagat.

Bukod dito, nagtungo rin si RD Lanzuela sa mga saprahan at tahungan sa Manila Bay upang personal na masaksihan ang aktwal na operasyon at kondisyon ng mga mangingisda sa lungsod. Ayon sa kanila, walang oras at panahon ang kanilang paghahanapbuhay, sinusuong nila ang malamig na tubig at hangin tuwing gabi at madaling-araw o kaya naman tinitiis ang matinding init ng araw upang mangolekta ng tahong at maghango ng huling isda mula sa mga sapra.

Sa kabila ng matinding hirap at panganib na kaakibat ng kanilang trabaho, patuloy silang nagsasakripisyo at nagsusumikap upang may maihain sa hapag-kainan at maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Damang-dama ni RD Lanzuela ang mga hamon na kinahaharap ng mga magtatahong at magsasapra kabilang na ang epekto ng reklamasyon na sanhi ng pagbabago sa kalidad ng tubig at nakaaapekto sa kanilang produksyon at kabuhayan.

Samantala, nakiisa rin si RD Lanzuela sa isinagawang retrieval operation ng invasive species sa Laguna de Bay sa bahagi ng Muntinlupa City. Ang aktibidad ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Lake Management Office (LMO) at City Fisheries and Aquatic Resources Management Councils (CFARMCs) ng Lungsod ng Muntinlupa sa ilalim ng programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa (BASIL).

Sa kabuuan, narekober ang 578.5 kilogram ng Janitor Fish at 621.5 kilogram ng Knife Fish na kilalang parehong nakapipinsala sa natural na ecosystem ng Laguna de Bay.

Higit pa sa isang simpleng immersion, naging daan ito upang mas mapalapit ang ahensya sa tunay na kalagayan ng mga mangingisda at makapaglatag ng mas epektibo at sustenableng mga programa at polisiya para sa sektor ng pangisdaan. #

#PangisdaanSaBagongPilipinas#BFAR#BFARNCR