Bilang pagkilala sa natatanging kabataang nagpakita ng kanilang adbokasiya sa pamamagitan ng paggamit ng mga basura sa kanilang obra maestra, ginawaran ng pagkilala at cash prize ang mga finalist sa SEAning na Buhay, Buhay na Manila Bay at Laguna De Bay Mixed Media Art Competition na ginanap sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Tinanghal bilang Champion at nakatanggap ng People’s Choice Award ang obrang may pamagat na “Prosperous Fisheries” ng mga mag-aaral mula sa Parañaque National High School-Main na sina Mark Deacon Buelba at Alianne Afryl Raymundo.
Nasungkit naman nina Cristine Jane N. Tulisana at Pau Loenn A. Ordas mula sa Lakeview Integrated School :JuniorHigh at Gabriel A. Galarosa at Prince Lawrence Orcullo mula sa Navotas National High School (NNHS) ang ikalawa at ikatlong puwesto.













