Setyembre 30 – Oktubre 2, 2025 – Layuning linangin ang kasanayan ng mga kawani ng FCU-NCR at BFAR-NCR tungkol sa epektibong pakikipag-ugnayan sa mga komunidad ng mga mangingisda sa rehiyon, isang pagsasanay ang isinagawa na may titulong “Training on Urban Community Development for Fisherfolk Communities: Staff Development Training for BFAR-NCR & FCU NCR Personnel”.
Upang bigyan ng inspirasyon ang mga kahahok, hinimok ni Regional Director Dr Noemi SB. Lanzuela lahat na isapuso ang mga kaalaman na makukuha nila sa nasabing pagsasanay at gamitin ito upang magsilbing daan sa pagsusulong ng sustenableng pangisdaan sa Metro Manila.
Sa tulong ni Dr. Wilfredo P. Awitan ng U.P. College of Social Work and Community Development (CWSCD), mas naintindihan ng mga kalahok ang kahalagahan ng pakikisalamuha at pakikipamuhay sa mga pamayanan ng mangingisda upang makapaglatag ng mas epektibong programa base sa kanilang pangangailangan, at base sa sistemang sosyal, politkal, ekonomikal, at kultural na umiiral sa kanilang komunidad.
Inaasahan na ang aktibidad na ito ay makatutulong sa pagbuo ng mga programang angkop sa kinakailangan ng mga mangingisda tungo sa mas magandang kinabukasan ng sektor. #(JGL)

























