Layuning bigyan ng pagkakataon ang mga anak ng mga mangingisda na makatungtong sa kolehiyo at maging kabalikat ng ahensya sa pagpapaunlad ng pangisdaan ng rehiyon at ng bansa, nagsagawa ng Regional Fisheries Information Section (RFIS) sa ilalim ng Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) ng isang Information, Education, and Communication Campaign tungkol sa Fisheries Scholarship Program (FSP) ng Bureau noong ika-20 ng Agosto, sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park.
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa District IV na kinabibilangan ng City Agriculture Office ng Parañaque, Las Piñas, Taguig, at City Environment and Natural Resources Office ng Pasay City, at ilang staff ng LPPWP.
Opisyal na binuksan ni Mr. Niño Arnie A. Binato ang programa at ipinahatid ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo. Binigyang diin niya ang mahalagang papel ng mga mangingisdang lider at CAO sa pagpapalaganap ng impormasyong ito na lubos na makatutulong sa mga pamilya ng artisanal na mangingisda sa rehiyon.
Nagsilbi bilang resource speaker sa nasabing orentasyon si Ms. Veverlyn E. Samadan, Regional Focal Person ng FSP. Nagbahagi rin naman ng kanyang karanasan si Ms. Jehn Francine SB. Boletic bilang produkto ng nasabing programa.
Sinundan ang oryentasyon ng isang open forum kung saan nalinawan ang mga katanungang isinumite ng mga dumalo. Sa huli, maraming pasasalamat ang natanggap ng BFAR-NCR mula sa mga mangingisdang nakadalo sa oryentasyon at sa oportunidad na ibinigay ng gobyerno para sa kanilang anak at pamilya. Ipinangako rin nila na tutulong sila sa pagpapalaganap ng programa sa kanilang komunidad.
Inaasahan sa susunod na taon (FY 2026) magaganap ang kauna-unahang National Qualifying Examination para sa Fisheries Scholarship Program sa Metro Manila. #(JGL)
——-
Para sa karagdagang impormasyon, bisititahin ang link na ito: https://tinyurl.com/FSPNCR




















