Hunyo 2, 2026 – Ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Capital Region (BFAR-NCR) ay nakilahok sa Brigada Eskwela Kick-Off Ceremony ng Schools Division Office (SDO) ng Las Piñas City na may temang “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” at ginanap sa Las Piñas Elementary School Central Multipurpose Hall noong Hunyo 2, 2026.
Nagtayo ang BFAR-NCR ng Information Booth para sa Fisheries Scholarship Program (FSP), kung saan namahagi ng mga brochure at application forms at nagbahagi ng impormasyon sa mga guro at iba pang dumalo.
Sa pamamagitan ng Fisheries Scholarship Program, patuloy na isinusulong ng BFAR-NCR ang mga oportunidad sa edukasyon at hinihikayat ang mga mag-aaral na magtuloy ng propesyon sa sektor ng pangisdaan.
———————–
𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒉𝒂𝒈𝒊 𝒏𝒈 𝑩𝑭𝑨𝑹 𝑭𝒊𝒔𝒉𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 𝑺𝒄𝒉𝒐𝒍𝒂𝒓𝒔𝒉𝒊𝒑 𝑷𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎—𝒎𝒂𝒈-𝒂𝒑𝒑𝒍𝒚 𝒏𝒂!
Ang BFAR Fisheries Scholarship Program (FSP) ay sumusuporta sa mga mag-aaral na kukuha ng Bachelor of Science in Fisheries (BS Fisheries) para sa Academic Year 2027–2031.
• Deadline of Application: July 31, 2026
• Date of Examination: October 10, 2026
Scholarship Components:
1. Fisherfolk Children Educational Grant (FCEG)
2. Fisheries Industry Leader Grant (FILG)
Application Forms:
Ipadala ang mga Aplikasyon sa:
BFAR-NCR Regional Office
8 Kalayaan Avenue, Brgy. Malaya, Diliman, Quezon City
Para sa mga Katanungan:
Ms. Veverlyn E. Samadan – FSP Coordinator (0917-806-6549)
Ms. April Kaye B. Ancheta – FSP Staff (0995-439-7813)












