August 25-29, 2025 – Matagumpay na nakapagbahagi ang BFAR-NCR, sa pakikipagtulungan sa BFAR-National Fisheries Development Center (BFAR-NFDC) at pakikipag-unayan sa Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas, ng mga kagamitan sa pagpaparami ng tahong at pangisda sa mga grupo at indibidwal mula Brgy. Pulang Lupa Uno, Las Piñas City.
Pinangunahan ni BFAR-NCR Regional Director Noemi SB. Lanzuela ang pamamahagi ng 52 piraso ng drum, 494 marker buoy, mga lubid, nylon twine, at 52 sinker na inaasahang makakagawa ng 26 na units ng longline para sa pagpaparami ng tahong ng mga napiling benepisyaryo.
Samantala, 13 na bottom set gillnet (BSGN) rin ang naibahagi sa 13 indibidwal na apektado ng mga nagdaang bagyo at habagat upang tulungan silang makabangon sa kanilang kabuhayan. #












