August 25-29, 2025 – Matagumpay na naisagawa ng BFAR-NCR, sa pakikipagtulungan sa BFAR-National Fisheries Development Center (BFAR-NFDC) at pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Las Piñas ang pagsasanay tungkol sa mga teknolohiya na may kinalaman sa pagpaparami at pagpoproseso ng tahong sa Brgy. Pulanglupa Uno, Las Piñas City.

Ang pagsasagawa ng pagsasanay na ito ay bahagi ng Philippine Shellfish Development Program, 2025: Shellfish Industry Modernization and Sanitation (PSDP:SIMS). Layunin ng programang ito na magtatag ng isang “Technology Demonstration on Shellfish Culture sa pamamagitan ng Longline Method” na kinukonsidera bilang sustenable at mabisang paraan sa pagpaparami ng tahong.

Tinalakay ni Mr. Francisco M. Reyes, Focal Person ng National Shellfish Program ang Biology and Culture Technologies of Mussel. Pinangunahan rin niya ang hands-on na paggawa ng longline para sa tahong sa tulong ng iba pang personnel mula sa BFAR-NFDC at Fisheries Production Section ng BFAR-NCR na pinamumunuan ni Gng. Mary Ann R. Candelaria.

Mainit na pagtanggap at taos-pusong pasasalamat sa ahensya ang ipinabatid ni Hon. Guadalupe A. Rosales, Barnagay Captain ng Brgy. Pulanglupa Uno, sa pagpili ng mga mangingisda mula sa Las Piñas bilang benepisyaryo ng programa . Nagbigay rin ng mensahe si Dr. Mea F. Baldonado, OIC ng RFTFCD, at pinasalamatan ang mga kalahok sa pagpapakita ng kanilang interes upang matuto.