Upang linangin ang kapasidad ng mga kalahok sa ligtas na pangingisda at kanilang kaalaman sa mga batas pangisdaan bilang kabalikat ng ahensya sa pagpapatupad nito, nagsagawa ng pagsasanay ang BFAR-NCR ng “π»πππππππ ππ πΊπππππ ππ πΊππ πππ πππππππ π³πππ πππ πΊππππ-πππππ πππ π΄ππππππππ πππππππππ ππ πππ π΅πππππππ πͺππππππ πΉπππππβ sa BFAR – MCS Station, Navotas City noong ika- 30 hanggang 31 ng Hulyo.
Katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC), Philippine Coast Guard (PCG), at Philippine Red Cross (PRC), sinanay ng BFAR-NCR ang 40 kalahok na kinabibilangan ng mga Bantay-Dagat, Munisipal na Mangingisda, at kinatawan ng ng LGU mula sa lokal na pamahalaan ng Manila, Navotas, at Pasay City.
Mainit na tinanggap ni G. Jan Renzo T. Pura, OIC ng District Fishery Office III ang mga kalahok sa nasabing pagsasanay at kinilala ang kanilang suporta at pakikiisa sa mga adhikain ng BFAR-NCR sa pamamagitan ng pagdalo sa kabila ng epekto ng nagdaang bagyo at habagat.
Ipinaabot din ni Dr. Mea F. Baldonado, OIC ng Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) ang kahalagahan ng pagsasanay na ito sapagkat ito ang kauna-unahang isasagawa ito ng regional office; ang unang hakbang para sa mas ligtas na pangingisda sa rehiyon at pagsasagawa ng seaborne operations. Binanggit din ni Dr. Baldonado ang mga kaalaman na matutunan sa isasagawang pagsasanay ay hindi lamang nila magagamit sa kanilang pangingisda, kundi pati na rin sa kanilang araw-araw na pamumuhay.
Nagsilbi bilang mga resource speakers mula sa BFAR-NCR sina G. Arman S. Cabanig, Staff ng ERMCSOC at Atty. Arnulfo B. Balace, Legal Officer ang mga paksa na may kinalaman sa ibaβt ibang uri ng fishing vessel at fishing gear na pinahihintulutan gamitin ng mga mangingisda, at mga batas na kailangang sundin at pakatandaan upang pangalagaan ang ating pangisdaan.
Basic Radio Operation, pag-operate ng marine radios, protocol sa pagkokomunika gamit ang radyo, at kahalaganan ng tamang paggamit ng radyo para sa maritime safety naman ang inilihad ni Engr, Nomeriano R. ObiΓ±a III ng NTC.
Pagsasagawa naman ng first aid at emergency skills naman ang itinuro at ipinakita ni G. Michael C. Unggayan ng PRC. Water Safety, Rescue and Survival Techniques naman ang itinampok ni SN2 Jerald Martinez ng PCG.
Inaasahan na ang mga kalahok ay nagkaroon ng mas mataas na kumpiyansa sa sarili sakaling sila ay maharap sa emergency habang nasa laot o habang nag-operate sa pangisdaan na kanilang sinasakupan. (#KGN/JGL)


















